Thursday, December 31, 2009

New Year's Resolutions '10

Eto na naman ako! HAHA
Gagawa na naman ako ng New Year's Resolutions ko.
Hindi ko naman natutupad. :D
Hayaan na natin, last blog post ko na to ngayong taong 2009! ^_^

Eto na...
My New Year's Resolutions '10

  • maging productive kahit papa'no everyday,
  • maging health conscious,
  • babawasan ang pagpupuyat,
  • mag-ipon!
  • maging positibo,
  • At ang last, i-enjoy ang buhay!

Oh ayan. Tignan ko nalang kung matupad ko yan next year! :D
Happy New Year sa Lahat!

Tuesday, December 29, 2009

Untitled

I don't know kung anong isusulat ko ngayon >_<
Gusto ko lang madagdagan ang post ko. Ayun lang.
Tagal ko na din kasing hindi nakakapagsulat dito, pero sa ngayon
wala pa akong naiisip kung tungkol saan, para kanino 'tong post na to.
HAHAHA :))

Sabaw lang siguro ako kase 1:45am na!
It's time to sleep. Zzzzzz
Bye!

Wednesday, April 1, 2009

Isa ka ba sa kanila?


eTong post na ito ay dedicated sa mga taong nagbigay sakin ng pansin at ginawa akong bida sa sarili nilang paraan.
Bilang ganti, kayo din ang gagawin kong pangunahing tauhan sa blog na ito..

Isang tahimik at mainit na araw ang aking nadatnan pagkagising ko. Tanghalian na pala pero brownOut padin whew! Dali-dali akong pumunta sa bahay ng lola ko para magpalamig. Nakita ko sa sala si Isang (pinsan ko) na nagdra-drawing ng kung anu-ano nang may bigla akong narinig na nag-uusap sa garahe. Tatlong taong malalakas, makapangyarihan at mga diyosa! (pagdating sa TSISMISAN). Hindi ko na sila papangalanan.(lola, tita, ate STAR). ^_^

Natural na sa akin ang ganitong senaryo. Kinalakihan ko na kasi. Hindi ko din naman maikakatwa na ganu'n ang kanilang libangan habang sinasayang ang mga mahahalagang oras na lumilipas.

Habang masayang nakikipag-usap sa aking pinsan, bigla kong narinig ang aking pangalan. Shit! Ako na ang topic nila. Negatibo, negatibo, negatibo. Sabagay, ano ba naman ang aasahan natin sa mga taong walang ibang alam gawin kundi pag-himasukan ang may buhay ng may buhay.

Taeng-tae ako sa inis pero hindi ko na din masyadong pinansin dahil sanay na ako sa kanila. Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos pagmumuka nila ang lagi kong nakikita. (pis be wid yu!)LOL.

O cge tama na 'to at baka isumpa na 'ko ng angkan ko..^^

"sometimes, being the subject of gossips and intrigues
can be quite flattering... because for them, you are damn
INTERESTING! "

Saturday, March 28, 2009

HOT summer DAYS!


whew!
antagal ko na palang hindi nakakapag-post sa blog ko.hehe
hektik sked? LOL..

Bago ko simulan ang lahat, magpupunas muna ako ng pawis na "tumatagaktak" sa aking likuran.
Game. Balik tayo sa topic ko.

Isa ka ba sa mga taong tumataas ang presyon ng dugo dahil sa init? O taong nanlilimahid ang pawis abot singit? Hmm... Batay sa aking malupet na pananaliksik, patuloy ang pagtindi ng init ng nararanasan ng mga mamamayan dito sa "Perlas ng Silanganan" - Pilipinas.

Sa katunayan, wala ng nabubuong yelo sa ref namin. Wala na ding tumutubong damo sa aming likod bahay. Ay! sementado na pala. Hindi ko nadin nakikita ang mga taong pulubi sa kalye na dati ay masayang naglalaro at nagkokotongan habang ang isa ay pasimpleng sinusungkit sa sampayan ang panti ng aming kapit-bahay. Naapektohan ba sila sa klima? O naging "vain" lang sila at ayaw mangitim?

Sa tuwing lalabas ako ng bahay, hindi ko maiwasang hindi magdala ng payong dahil sa tindi ng tirik ni Haring Araw. Para akong gumagapang sa isang malawak na disyerto na uhaw na uhaw at wala man lang makitang masisilungan o kahit sa ilalim lang ng camel.(EKSAJ)

Anyways, ito yung tanong na kanina pa gumugulo sa aking sensitibong utak. May nakita kasi akong ipis kanina, papatayin ko na sana ng biglang nanigas. Hindi kaya apektado din sila ng init? Na-istroke kaya sya?

Next time nalang uli at maliligo nako.

Wednesday, February 11, 2009

bOrinG YM features??,, check this out!.

..hey! boring na ba ang features ng YM mo, like simple emoticons?
welL, eto na ang pinakahihintay mo! sweetim is here for you!


cLicK the link below...


http://www.sweetim.com/


i-download mo lang at i-run..
you will be automatically sign-out for a second or two while running this "COOL" program..

siguradong magugustuhan niyo to! 101% sure!

makakasend lang kayo ng ganyang features sa mga pc na meron ding sweetim..

NOTE:

don't forget to leave a comment before or after downloading sweetim...

seeyah!! :))

Monday, February 9, 2009

--buHay wOrkiNg sTuDenT--



Isa akong STIer, and i'm proud of it!
I am taking up Bachelor of Science in Information Technology.
i'm 2nd year-1st sem now, octoberian kc ako..
At first, it's really hard for me to adjust sa buhay kolehiyo 'cause
nagwowork din ako sa isang food chain here at Quezon City.






Isa ako dating service crew "dining area" sa Jollibee-Robinsons Novaliches..
Puyat, pagod, hirap, at marami pa..(pero masaya! :) )
Yan ung mga dinanas ko when i was a working student..
I usually woke-up at 5am to prepare for skul, kasi 7am-1pm class ko non,
then after my class sasakay na akong jeep going to Jollibee kasi 2pm-10pm schedule ko don..
Sometimes nakakauwi na kami ng 11:30 - 12am sa dami ng nililinis. Tapos gigising na naman kinabukasan ng 5am.


Ganyan yung naging sistema ko dati..
Ang dami ngang nagsasabing pumayat daw ako non ng sobra. Of course! sa pagod ba naman eh..
Pero i think it really helps me to appreciate all the things na hindi ko napapansin dati..
Magastos ako dati. Hingi kay nanay, hingi kay tatay. But after experiencing na kung gaano kahirap kumita ng pera, doon ko naisip na wow! hindi pala ganun ganun lang un.


Anyways, balik tayo sa buhay ko sa skul dati..
Wala akong kinakausap non. Siguro dahil sa lagi akong puyat at pagod kaya
no time to bond with my classmates.
Pero masipag akong pumasok kasi syempre simula palang ng college life ko non..
Kaya ayon pumapasa naman..


Hindi ko natapos yung contract ko with Jollibee kasi hindi ko na talaga kinaya.
After four months nagresign din ako.
Dami ko ding hindi makakalimutang happenings don.
Every week siguro may inuman, everyday naman bonding with my co-employees and
our "beloved managers"..LOL


MGA KAPALPAKAN KO SA JOLLIBEE
  • nakatapon ako ng softdrink sa customer
  • habang nag ma-mop ng sahig may nadulas na bata (nakalagay naman ung wet floor sign!)
  • nakatapon ako ng food sa customer(oops! not intended)
  • nahulog ung mga platong pinagkainan sa sahig, kaya ayon nagtalsikan ung mga tira-tirang pagkain sa mga plato ng customer.. ahahahah
  • nilinis ko yung table ng customer ng hindi pa sya tapos (akala ko kc tapos na)
aun.. miss ko na nga mga crewmates ko eh..
hinding hindi ko makakalimutan yang first work ko..


Sunday, February 8, 2009

aNg siMuLa nG LahaT..



hi there! Ako nga pala si Zeus Winzon Losaynon Rosal..
just call me zeus!
i'm 18 yrs old and was born on april 08..
aries ang zodiac sign ko and i'm the youngest sa aming magkakapatid..


Maraming nagsasabing suplado daw ako.. sus! minsan lang naman.. :D
Tahimik lang ako, lalo na pagsinumpong yung katamaran ko.
Maiksi lang pasensya ko.
Ayaw ko masyadong pinag-aantay.
I'm just a typical person lang naman.
Hindi mo mapapansin ang existence ko sa jan sa labas..LOL
Wala akong hilig magbasa.
Mathematics? whoaw! paborito ko yan! I can't live without it.LOL


Ano pa bang masasabi ko sa sarili ko?ahmm...
Baka ma-bored kayo pag kasama niyo ko.
Hindi kasi ako masyadong masalita pero kung ka-close ko
naman ung kasama ko, malalaman niyo ung kadaldalan ko..
aun.. ge ge TC!

pahabol:
kaya pala zeusilencio kasi nga tahimik lang ako.. :)