Wednesday, April 1, 2009

Isa ka ba sa kanila?


eTong post na ito ay dedicated sa mga taong nagbigay sakin ng pansin at ginawa akong bida sa sarili nilang paraan.
Bilang ganti, kayo din ang gagawin kong pangunahing tauhan sa blog na ito..

Isang tahimik at mainit na araw ang aking nadatnan pagkagising ko. Tanghalian na pala pero brownOut padin whew! Dali-dali akong pumunta sa bahay ng lola ko para magpalamig. Nakita ko sa sala si Isang (pinsan ko) na nagdra-drawing ng kung anu-ano nang may bigla akong narinig na nag-uusap sa garahe. Tatlong taong malalakas, makapangyarihan at mga diyosa! (pagdating sa TSISMISAN). Hindi ko na sila papangalanan.(lola, tita, ate STAR). ^_^

Natural na sa akin ang ganitong senaryo. Kinalakihan ko na kasi. Hindi ko din naman maikakatwa na ganu'n ang kanilang libangan habang sinasayang ang mga mahahalagang oras na lumilipas.

Habang masayang nakikipag-usap sa aking pinsan, bigla kong narinig ang aking pangalan. Shit! Ako na ang topic nila. Negatibo, negatibo, negatibo. Sabagay, ano ba naman ang aasahan natin sa mga taong walang ibang alam gawin kundi pag-himasukan ang may buhay ng may buhay.

Taeng-tae ako sa inis pero hindi ko na din masyadong pinansin dahil sanay na ako sa kanila. Sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos pagmumuka nila ang lagi kong nakikita. (pis be wid yu!)LOL.

O cge tama na 'to at baka isumpa na 'ko ng angkan ko..^^

"sometimes, being the subject of gossips and intrigues
can be quite flattering... because for them, you are damn
INTERESTING! "

2 comments:

  1. haha tama nga nmn ung quotes mo hehehe

    ReplyDelete