Saturday, March 28, 2009

HOT summer DAYS!


whew!
antagal ko na palang hindi nakakapag-post sa blog ko.hehe
hektik sked? LOL..

Bago ko simulan ang lahat, magpupunas muna ako ng pawis na "tumatagaktak" sa aking likuran.
Game. Balik tayo sa topic ko.

Isa ka ba sa mga taong tumataas ang presyon ng dugo dahil sa init? O taong nanlilimahid ang pawis abot singit? Hmm... Batay sa aking malupet na pananaliksik, patuloy ang pagtindi ng init ng nararanasan ng mga mamamayan dito sa "Perlas ng Silanganan" - Pilipinas.

Sa katunayan, wala ng nabubuong yelo sa ref namin. Wala na ding tumutubong damo sa aming likod bahay. Ay! sementado na pala. Hindi ko nadin nakikita ang mga taong pulubi sa kalye na dati ay masayang naglalaro at nagkokotongan habang ang isa ay pasimpleng sinusungkit sa sampayan ang panti ng aming kapit-bahay. Naapektohan ba sila sa klima? O naging "vain" lang sila at ayaw mangitim?

Sa tuwing lalabas ako ng bahay, hindi ko maiwasang hindi magdala ng payong dahil sa tindi ng tirik ni Haring Araw. Para akong gumagapang sa isang malawak na disyerto na uhaw na uhaw at wala man lang makitang masisilungan o kahit sa ilalim lang ng camel.(EKSAJ)

Anyways, ito yung tanong na kanina pa gumugulo sa aking sensitibong utak. May nakita kasi akong ipis kanina, papatayin ko na sana ng biglang nanigas. Hindi kaya apektado din sila ng init? Na-istroke kaya sya?

Next time nalang uli at maliligo nako.

No comments:

Post a Comment